Sabado, Setyembre 15, 2018

Spiritual Martial arts orascion

Ang katagang ito na sinasabing spiritual martial arts ay isang pagpapakita ng galing gamit ang mga makapangyarihang orascion na nagmula pa sa mga pamana o lumang kaalaman ito din ang ginagamit ng mga sinaunang mandirigma noon sa pilipinas para mapaglabanan ang mga taong sumakop sa ating bansa dito sa pinas sa panahon ngayun medyo kakaunti lang ang mga taong nabibiyaan kung marami man di na din ito bihira na mapapaandar sa isang ordinaryong tao kung sya ay may maliit na poder sa kanyang sarili.

Ito ang mga halimbawa sa Spiritual martial arts:
1. Nagpapataga sa katawan at hindi sila naaano, kilala dito ang grupong haring bakal sa kakayahan nila na kung sino man ang umanib sa kanila tatagain ng itak at sila ay di maaano sa taglay nilang orascion na galing sa hiwaga ng dios.
2. Lumalakad sa apoy, sa panahon ngayun ay kilala dito ang sinasabing mga babaylan na kung sila ay may ritwal na gagawin sila ay lumalakad at sumasayaw sayaw pa sa baga ng apoy at hindi sila mapapaso.
3. Kumakain ng bubog, ito ay pagpapakita ng galing gamit ang orascion sa pagkain lamang ng bubog ng bote pwedi din sa bubog ng bumbilya nginunguyanguya nila ito na parang chitcharon at nilulunok kasabay ng pag inom ng tubig at agad na hanga naman ng mga tao na nakakita sa ginawa nila.
4. Lumilipad na carpet, siguro mapapaisip mo dito ay ang alladin pero nuong unang panahon ay may nadinig ako na ginagamit daw ito ng mga sinaunang pilipino at muslim noon para makatakas sa pagbibihag ng mga espanyol.
5. Ginagawang sundalo ang palito ng posporo, nuong unang panahon ang mga lalaking may galing sa kakayahan na ito ay kayang gawing sundalo ang mga posporo sa pamamagitan lamang ng orascion at inihahagis ito sa lupa sila din daw ang tumulong sa pakikipaglaban noon para hindi masakop ang pilipinas sa panahon ngayun kunti nalang ang mga taong may dala ng orascion na ito.

Ilan lang iyan sa mga galing na taglay ng mga pilipino ang iba ay hindi ko na isiniwalat, at hindi lang yan napakarami pa pong galing ang pwedi nating matunghayan kung susuriin natin ang kwento ng mga sinaunang pilipino na may taglay na mga orascion, sa panahon ngayun ay ginagamit pa din ang mga kaalamang iyan pero ang iba kung merun man ay itinatago nalang para hindi mapagkamalang mayabang tunay na hiwaga po talaga ang mga pilipino pagdating dito kung nais mong makamtan ang mga galing na iyan ay dapat kang humanap at ikaw ay makakasumpong.