Martes, Disyembre 11, 2018

Talandro

Ang talandro ay isang uri ng agimat na yari sa tela na may mga sagradong guhit at sulat na kinapapalooban ng kapangyarihan upang ikaw ay malayu sa lahat ng panganib, sakuna, kaaway, masamang elemento, o kahit anu pamang bagay na nakakapagdulot ng masama kadalasang ginagamit ang mga taladro para maakit ang swerte at umunlad ang pangkabuhayan at sa ibang panig naman ay ginagamit ito panangga sa mga kulam at barang at iba pa. Ang talandro ay parang panyo lamang na iyong dadalhin kahit saan, mahalaga din ang talandrong tinataglay natin ay hindi yung ginagawa sa pagprinta ng larawan kundi ay yung pinagpupuyatang gawin dahil ito ang mas magaling at paki pakinabang sa magtataglay ng mga talandro ay iwasan na hindi mo dapat ito dudumihan sapagkat ang bagay na ito ay hindi pweding labhan.

Ito ang mga halimbawa ng talandro:













Kung napag-isipang gusto mo rin magkaroon ng ganitong uri ng panyo ay hindi na po imposible sapagkat ako mismo ang tutulung sa iyo para magkaroon ka ng ganitong mga gamit ang mga mangguguhit ko ay sadyang batikan napo sa pagdadrawing kaya tiyak na maganda po ang talandro na aming ipapadala sa iyo.
Sa mga karagdagang impormasyon sa magpapagawa ng ganitong agimat ay malaya nyu po akong kontakin sa numerong 09358632547

Biyernes, Oktubre 26, 2018

Mga Garapa ng Karunungan

Mga garapa na ginagamit ng mga pilipino maraming taon na ang nakakaraan nagsimula lang naman ito sa mga babaylan at mga pilipinong panatiko hanggang lumaganap sa buong pilipinas dahil sa angkin nitong kakayahan sa panahon ngayun bihira tayung makakita ng mga tindahan na may binebentang ganito.

1. Bote pampaswerte -  Ito ang klase ng bote na kapag isinisilid sa bulsa o itinatago sa tindahan ay       magiging maganda ang daloy ng swerte sayu sapagkat ang boteng ito ay may mga sangkap na naaayon sa pampaswerte lamang gaya ng bahay ng alitaptap, pangamay, kahoy pampaswerte etc. Magandang taglayin ang bote na ito kung ikaw ay may negosyo o gusto mo lang na maging mas maunlad pa ang pamumuhay mo. Marami nading kumuha sa akin ng bote ng pampaswerte at yung mga taong di naman agad naniniwala kalaunan ay naniniwala din.

2. Bote Depensa       -  Kung gusto mo ng karagdagang sapat na depensa para makaiwas sa mga          mamamatay tao at masasamang tao ay mas magandang taglayin ay ang bote ng depensa hindi lang mga sangkap ang laman nito kundi ay may orascion pang nakalagay sa boteng ito dalhin lamang ang garapa sa iyong bulsa at maaasahan mong walang mangyayaring masama sa iyo basta hindi lang po    kayu mangunguna sa gulo. Tandaan na ang pag-iwas sa gulo ay ang syang pinakamatibay na depensa pero para malayu sa kapahamakan ng mga masasama kailangan ang magdasal at magdala ng bote depensa.

3. Bote kontra lason  -  Nadinig ko noon na ang panglalason ay isang negosyo ng mga masasamang    tao kung sila man ay may mabiktima agad nilang lalapitan ang biktima at mag-aalok ng gamot sa lason para hindi sya mamatay ay kailangan bilhin ng biktima ang gamot, hindi alam ng biktima na yung nag alok yun din pala ang naglason sa kanya. Kaya kailangan natin ng bote panguntra lason para malihis kayo sa mga taong manlalason na ito at hindi malapitan ng mga lason. Kung may nalason man, Ang boteng ito ay may kahalong powder ng tawas tapol na blue na pweding ihalo sa tubig at ipainom sa nalason para ito ay sumuka at gagaling ng tuluyan ang biktima.

4. Bote Kontra kulam - Para makaiwas at hindi matablan ng kulam ay kailangan nating magtaglay ng   bote kontra kulam dahil sa panahon ngayun may mga taong may kapangyarihang itim na kaya nilang manakit at pumatay gamit ang kaalaman ng demonyo kaya mas mabuting ng nag iingat at nagdedepensa kaysa nakulam kana tsaka ka palang bibili ng bote kontra kulam. Kung ikaw ay            nakulam na maaari mong gamitin ang bote bilang panghaplos para magsilbing gamot ng kulam hanggang sa gumaling ang sakit.

5. Bote pampaakit      -  Ay isang uri ng garapa na may kinalaman sa pag ibig, hindi man ito gayuma  pero malaki parin ang tulong nito para mapaakit mo ang mga tao sa iyo kagaya nalang ng mga customer mo o sa taong mahal mo. Tumutulong din ang boteng ito sa mga striktong tao para mapag gaanan ka ng loob at hindi pag initan, Nakakapaglubag loob ang boteng ito kaya mas mainam na        taglayin mo ang boteng ito para maging mas maakit at gaanan ka ng loob.

6. Bote Kontra aswang - Kung gusto mong makaiwas sa mga aswang at hindi mabiktima ng mga halimaw na ito ay dapat nating taglayin ang bote kontra sa aswang para mapaglabanan mo at hindi ka magalaw ng mga aswang nararapat na ito ay isilid sa inyung bahay o ilagay sa inyung bulsa kung kayu ay lalakad sa mga lugar na pinagdududahang mayroong mga aswang nararapat din na mag taglay ang mga buntis nito para hindi makuha ng aswang ang kanilang dapat na kukunin.

7. Bote de Guerra      -  Ang boteng ito ay naglalaman ng mga papel na may mga orasciong nakasulat  patungkol sa pakikidigma sa mga kaaway para hindi ka nila matitinag sadyang mabagsik ang pagkakagawa ng bote ito dahil sa akto ng kombate mo ito masusubok. Kung ikaw ay sundalo o pulis ay mas magandang pwedi mong taglayin ang garapang ito Mainam ding gawin nalang din itong gamit sa pandepensa.

8. Bote ng Himag      -  Kilala ang himag sa katangiang napakabilis nito magpahilom ng sugat kung  ikaw ay nasugatan sa kutsilyo lagyan lamang ng langis ang sugat at titiklop na  ang iyong balat at hindi na lalabas pa ang dugo sa kadahilanang nilagyan mo ng langis na galing sa bote ng himag.


Sa mga Gusto pong mag inquire at mag-order ng mga bote na iyan ay malaya nyu po akong kontakin sa numerong: 09098816997













Huwebes, Oktubre 25, 2018

Mga Kapangyarihang Mahiwaga

May mga Kababalaghang nangyayari sa ating mundo gawa ng mga encanto at minsan pa ay ito na pala ang dahilan na magkakaroon ka ng kapangyarihan kaya dapat na malaman natin ang mga kababalaghang ito bago pa na malaman mo na may kagamitan pala iyon may mga tao na akong nasumpongan na nakaranas na ng kababalaghan na hindi nila maipaliwanag kong anu iyon minsan pa sa kwentong matatanda ko ito naririnig dahil noong unang panahon na maliit pa ang teknolohiya ay maraming mga nangyayari na hindi talaga maipaliwanag.

Ito ang mga halimbawa na akin ng naranasan:

1.Noong bata pa ako ay malakas ang buhos ng ulan sa aming baryo kaya sumilong muna kami ng aking pinsan sa labas ng kapilya kasi may tent doon na malaki at sapat iyon para masilungan ng maraming tao kasi malaki iyon doon lamang kami ng pinsan ko na si Maryjade Barcenas naghihintay para tumigil yung malakas na ulan, samantalang ilang saglit ay sinundot ako ng pinsan ko at may itunuro sya sa daan "ano yun?" nung napatingin na ako sa daan hindi ko maipaliwanag kung anong nangyari sa ulan kasi may parte doon na parang ang buhos ng ulan ay naging bilog at para bang pintoan sa ibang dimension at kalaunan ay agad din namang nawala. Kung nilapitan kolang sana yun siguro ay mayroon dung mutya na magtataglay ako ng kapangyarihan.

Mga karanasan ng ibang tao:

1. Kabaong na lumilitaw, may kaklase na akong nakaranas nito na si Jienalyn Madrid, pati nadin sa kwento ng aking guro noon sa highschool na si Sir Reynaldo Pallera hindi lang sila kundi marami na daw, ito ay minsan na nagpapakita tuwing sasapit na ang gabi at haharangan ka sa daan sa kabaong na lumilitaw na ito sabi nga daw nila nanghahabol ito. Pero ito ang di nila alam na dapat nilang nalaman sana nung panahon pa na iyon.
A. Pag nakakita ka ng kabaong na lumilitaw kung gusto mo lang magpatuloy sa dinaraanan mo sabihin mo lang sa kabaong "magpatuloy ka sa iyong lakbay, at magpapatuloy din ako sa aking paglalakbay" at agad na iyan ay aalis, kung hindi aalis ito ay malditong kabaong itapon mo sa kanya ang hawak mong lampara at ito ay aalis na.
B. Magkakaroon ka ng kapangyarihan sa invisible, sa bandang gilid ng Kabaong ay may malaking kandila dyan lapitan mo ang kabaong at agad kunin yung kandila at agad takbo hanggang makarating sa bahay. Sa susunod na araw na ay sindihan yung kandila gamit ang posporo at ikaw ay magiging invisible hindi ka makikita ninoman pag gusto mo bumalik sa normal patayin lamang ang sindi ng kandila.

2. Ang mana ng aswang, Ang aswang ay likas na malakas dahil sa kapangyarihan nilang mahiwaga pero pag silay matanda na at kung gusto na nilang tumahimik sa mundo ay dapat na may bibigyan sila sa kanilang kapangyarihan ito lamang ang paraan para sila ay mamatay, dahil hindi sila mamamatay pag hindi ito maipasa ninoman, ang kanilang kapangyarihan ay hindi mala encanto kundi ay likas na galing talaga sa kadiliman na syang dapat nating iwasan. Nadinig ko nga din na si Matandang Maria labo ay nandito sa aming bayan pero di ko alam kung ito ba ay totoo pero dapat na din na mag ingat para hindi mabiktima ng mga nilalang na ito.

3. Sigbin, ang magtataglay nito ay may kapangyarihang makapunta sa isang lugar na sobrang bilis ito ay isang uri ng hayop na galing sa encanto na kong syay iyong alagaan ay maaari kang sumakay.
Ito ang kwento ng aking mama na ang aking lola ay may kaibigan ding matanda na may inaalagaang sigbin, Si lola ko ay may kaibigang matanda na may alaga daw na sigbin inimbitahan daw ng matandang ito ang lola ko na pumasyal at agad na sumang-ayon naman si lola at agad nakita ni lola ang isang magandang jeepney pero nagtataka sya nung syay sumakay ang bilis lang daw makapunta sa kanilang paroroonan. Sa panahong ngayun mahirap na makahanap ng sigbin pero maaari naman po tayung mag tanong-tanong sa mga natibo kung saan may binebentang sigbin.

4. Paglalaro ng baraha sa sementeryo, Hindi ka ba nagtataka kung mayroong mga baraha sa sementeryo na nakakalat dahil daw ito sa mga taong gustong mag-angkin ng kapanyarihan, ang gagawin mo lang daw ay iimbitahan mo ang mga espirito na maglaro kayu ng tong-its kung ikaw ay mananalo bibigyan ka nila ng kapangyarihan kung ikaw naman ay talo mas lalo ka nilang mumultuhin.

5. Saging tindok, ito ay likas na kilala na nating lahat na isang punong saging na sadyang mahiwaga sapagkat inaagawan ito ng mga aswang, lamang lupa at encanto para mas maging malakas sila. Ang mutya ay mahuhulog tuwing sasapit ang hating gabi sa bernes santo, pag-ikaw tao ay makisali sa pag-aagawan ng mutya at nakuha mo naman at nasubo agad, daig mo silang lahat, dapat din magbaon ng itak para sa mga ibang saging na lumalakad na aataki sa iyo.

6. Kapangyarihan ng diyos ito ang nakasaad sa bibliya sa Marcos 22:18 Ang sumasampalataya ay magtataglay ng kapangyarihan sa pangalan ko magsisitaboy sila ng mga demonyo, kung sila ay uminom man ng lason at humawak ng ahas ay di sila maaano at gagaling ang sinumang mapatungan ng kanilang kamay. Dito na lumalabas ang mga faithealer kailangan lang din talaga ng sapat na kaalaman at paniniwala para makamit ang kapangyarihang ito.


Sabado, Setyembre 15, 2018

Spiritual Martial arts orascion

Ang katagang ito na sinasabing spiritual martial arts ay isang pagpapakita ng galing gamit ang mga makapangyarihang orascion na nagmula pa sa mga pamana o lumang kaalaman ito din ang ginagamit ng mga sinaunang mandirigma noon sa pilipinas para mapaglabanan ang mga taong sumakop sa ating bansa dito sa pinas sa panahon ngayun medyo kakaunti lang ang mga taong nabibiyaan kung marami man di na din ito bihira na mapapaandar sa isang ordinaryong tao kung sya ay may maliit na poder sa kanyang sarili.

Ito ang mga halimbawa sa Spiritual martial arts:
1. Nagpapataga sa katawan at hindi sila naaano, kilala dito ang grupong haring bakal sa kakayahan nila na kung sino man ang umanib sa kanila tatagain ng itak at sila ay di maaano sa taglay nilang orascion na galing sa hiwaga ng dios.
2. Lumalakad sa apoy, sa panahon ngayun ay kilala dito ang sinasabing mga babaylan na kung sila ay may ritwal na gagawin sila ay lumalakad at sumasayaw sayaw pa sa baga ng apoy at hindi sila mapapaso.
3. Kumakain ng bubog, ito ay pagpapakita ng galing gamit ang orascion sa pagkain lamang ng bubog ng bote pwedi din sa bubog ng bumbilya nginunguyanguya nila ito na parang chitcharon at nilulunok kasabay ng pag inom ng tubig at agad na hanga naman ng mga tao na nakakita sa ginawa nila.
4. Lumilipad na carpet, siguro mapapaisip mo dito ay ang alladin pero nuong unang panahon ay may nadinig ako na ginagamit daw ito ng mga sinaunang pilipino at muslim noon para makatakas sa pagbibihag ng mga espanyol.
5. Ginagawang sundalo ang palito ng posporo, nuong unang panahon ang mga lalaking may galing sa kakayahan na ito ay kayang gawing sundalo ang mga posporo sa pamamagitan lamang ng orascion at inihahagis ito sa lupa sila din daw ang tumulong sa pakikipaglaban noon para hindi masakop ang pilipinas sa panahon ngayun kunti nalang ang mga taong may dala ng orascion na ito.

Ilan lang iyan sa mga galing na taglay ng mga pilipino ang iba ay hindi ko na isiniwalat, at hindi lang yan napakarami pa pong galing ang pwedi nating matunghayan kung susuriin natin ang kwento ng mga sinaunang pilipino na may taglay na mga orascion, sa panahon ngayun ay ginagamit pa din ang mga kaalamang iyan pero ang iba kung merun man ay itinatago nalang para hindi mapagkamalang mayabang tunay na hiwaga po talaga ang mga pilipino pagdating dito kung nais mong makamtan ang mga galing na iyan ay dapat kang humanap at ikaw ay makakasumpong.

Martes, Hulyo 31, 2018

Secreto ng kayamanan

Matoto at mamangha sa mga secreto ng kayamanan na inihayag suportahan po natin ang aking bagong blog na naglalaman ng mga kataga at tips na nagpapayaman sa ating buhay. Gamit ang mga secretong taglay ng mga tunay na mayayaman kung paano nagbago ang daloy ng kanilang swerte. Sapat na kaalaman lang po ang kailangan para umasenso, hindi po ang sipag at tyaga sapagkat iyan ay kulang.

www.secretongkayamanan.blogspot.com

Lunes, Mayo 4, 2015

For sale part 5

For sale part 5
at kapangyarihang lihim
for order and inquires please call or text: 09358632547


1. Lukan shell naging bato

 Ang lukan shell na naging bato ay isang bagay na may bertud matatawag nadin itong agimat nakapagbibigay ito ng depensa sa may dala, proteksyon sa masama, proteksyon sa bahay, at ayun sa karamihan ay para din ito sa mga maiingay na chicks, pampalayo sa mga tsismosa at tsismoso. at for wealth and long life

Ito ay matatagpuan sa mga kweba at bundok at mahirap ito hanapin ang pagtataglay ng ganitong bertudes ay huwag abusuhin ang kapangyarihan  at huwag ipahamak ang sarili dahil lamang dito
















Price:

2. Mutya ng Kuhol

  Ang magtataglay ng ganitong klaseng bertudes ay panglihis ng aksidente, at sa masasamang tangka,   ginagamit din daw ito sa cabal ang gawin ay ibabad lamang sa tubig at tuwing kinaumagahan ay
  inumin at maaasahan na may pangdagdag na ng lakas ang iyong cabal, sabi sa ilang nagtatangan  
  ay nagpapaliksi at nagpapadagdag ng energy sa nagtatangan. magaling din ito sa negosyo, kung  gagamitin ito sa negosyo ay huwag lamang maingay na merun ka nito ilagay lamang ito sa place na  saan ka nagnenegosyo,
 Ito ay matatagpuan sa mga kweba at bundok at mahirap ito hanapin ang pagtataglay ng ganitong  bertudes ay huwag abusuhin ang kapangyarihan  at huwag ipahamak ang sarili dahil lamang dito
                                                                               



Price:


3. Cross pendant made in Bao isang mata

   Mostly ginagamit ito sa depensa at proteksyon with many sangkap orasyon sa loob
















Price:


4. Bote antique

   Panguntra kapre, masamang espirito at nagpapamalas sa mga taong masasama kung ilalagay ang
   kanilang pangalan sa loob ng bote, tinatakutan ito ng mga encanto't maligno
















Price:

5. Kalmen pendant made in bao isang mata

  Ang anting2x na ito ay for general round depense ikinikwintas lamang ito sa mga magtatangan nito, with many sangkap orasyon sa loob at hugis parisukat ituring lamang sya na sagrado at may paniniwala para kumasi ang kapangyarihan ng agimat na ito
                                       
             














Price:




For sale part 5
at kapangyarihang lihim
for order and inquires please call or text: 09358632547






















Miyerkules, Marso 18, 2015

Orascion sa napuwing



Kung ikaw ay napuwing at nais mong mawala ay sambitin mo ang orascion sa ibaba at ikisapkisap mo ang iyong mata at aasahan pong matutunaw o mawawala ang puwing mo

PIRAT IRAT TALIS

Sa akin pong karanasan ay nagamit ko po ito kong ako ay napuwing at nawala nga yung puwing, pero may time din na nung ginamit ko ay hindi tumalab.