Miyerkules, Marso 18, 2015

Orascion sa napuwing



Kung ikaw ay napuwing at nais mong mawala ay sambitin mo ang orascion sa ibaba at ikisapkisap mo ang iyong mata at aasahan pong matutunaw o mawawala ang puwing mo

PIRAT IRAT TALIS

Sa akin pong karanasan ay nagamit ko po ito kong ako ay napuwing at nawala nga yung puwing, pero may time din na nung ginamit ko ay hindi tumalab.

24 anciano










Lihim na karunungan



Revelation 11: 16 
And the twenty-four elders, who were seated on their thrones before God, fell on their faces and worshiped God,

Revelation 4: 4
And round about the throne were four and twenty seats: and upon the seats i saw four and twenty elders sitting, clothed in white raiment and they had on their heads crown of gold



Sa Banal na kasulatan ng hindi pa ginawa ni infinito deus and mundo ay kasama na nya ang 24 ancianos na syang magsisilbing tutulong sa kanyang plano, ayon sa banal na kasulatan sa genesis 1:26 ay sinabing 'Let us create man in our own image' kaya dito natin malalaman na hindi nag iisa ang infinito deus sa paglikha ng mga bagay2x. sa banal na kasulatan ay hindi inihayag ang kanilang kasaysayan pero ayon sa tagong lihim na karunungan ng diyos. ang sino mang tao na makikilala ang lihim na pangalan ng infinito diyos nung ginawa nya ang 24 ancianos ay mapalad sapagkat kikilalanin sya ng diyos sa darating na paghuhukom.   At kong sino ang nakakaalam sa letra ng kanyang hinlalatong daliri at itinatoo sa hinlalatong daliri din ng tao ay hindi kayang pasukin ng mga tira spiritual

ang 24 ancianos ay may kanya kanyang lihim na pangalan at kung isinulat mo sa papel at gawing kalmin ay mabisang pangkaligtasan sa mga aksidente, peligro at kung ano pa. kahit si lucifer ay ika 16 sa 24 ancianos na syang pinakabunso kaya siya ang pinakamalapit sa infinito deus at tagapaghawak sa ilaw.

Merun ding medalyon na tinatawag na infinito deus na kong saan ay nakaukit ang infinito deus at ang kanyang anak at dito rin  itinatak ang mga basag na pangalan ng 24 ancianos at mabisa itong  depensa sa lahat ng bagay. sa pilipino ay kadalasang tinatawag itong anting2x







Ang karunungan ay walang hangganan
purihin ang diyos