Martes, Disyembre 11, 2018

Talandro

Ang talandro ay isang uri ng agimat na yari sa tela na may mga sagradong guhit at sulat na kinapapalooban ng kapangyarihan upang ikaw ay malayu sa lahat ng panganib, sakuna, kaaway, masamang elemento, o kahit anu pamang bagay na nakakapagdulot ng masama kadalasang ginagamit ang mga taladro para maakit ang swerte at umunlad ang pangkabuhayan at sa ibang panig naman ay ginagamit ito panangga sa mga kulam at barang at iba pa. Ang talandro ay parang panyo lamang na iyong dadalhin kahit saan, mahalaga din ang talandrong tinataglay natin ay hindi yung ginagawa sa pagprinta ng larawan kundi ay yung pinagpupuyatang gawin dahil ito ang mas magaling at paki pakinabang sa magtataglay ng mga talandro ay iwasan na hindi mo dapat ito dudumihan sapagkat ang bagay na ito ay hindi pweding labhan.

Ito ang mga halimbawa ng talandro:













Kung napag-isipang gusto mo rin magkaroon ng ganitong uri ng panyo ay hindi na po imposible sapagkat ako mismo ang tutulung sa iyo para magkaroon ka ng ganitong mga gamit ang mga mangguguhit ko ay sadyang batikan napo sa pagdadrawing kaya tiyak na maganda po ang talandro na aming ipapadala sa iyo.
Sa mga karagdagang impormasyon sa magpapagawa ng ganitong agimat ay malaya nyu po akong kontakin sa numerong 09358632547

Biyernes, Oktubre 26, 2018

Mga Garapa ng Karunungan

Mga garapa na ginagamit ng mga pilipino maraming taon na ang nakakaraan nagsimula lang naman ito sa mga babaylan at mga pilipinong panatiko hanggang lumaganap sa buong pilipinas dahil sa angkin nitong kakayahan sa panahon ngayun bihira tayung makakita ng mga tindahan na may binebentang ganito.

1. Bote pampaswerte -  Ito ang klase ng bote na kapag isinisilid sa bulsa o itinatago sa tindahan ay       magiging maganda ang daloy ng swerte sayu sapagkat ang boteng ito ay may mga sangkap na naaayon sa pampaswerte lamang gaya ng bahay ng alitaptap, pangamay, kahoy pampaswerte etc. Magandang taglayin ang bote na ito kung ikaw ay may negosyo o gusto mo lang na maging mas maunlad pa ang pamumuhay mo. Marami nading kumuha sa akin ng bote ng pampaswerte at yung mga taong di naman agad naniniwala kalaunan ay naniniwala din.

2. Bote Depensa       -  Kung gusto mo ng karagdagang sapat na depensa para makaiwas sa mga          mamamatay tao at masasamang tao ay mas magandang taglayin ay ang bote ng depensa hindi lang mga sangkap ang laman nito kundi ay may orascion pang nakalagay sa boteng ito dalhin lamang ang garapa sa iyong bulsa at maaasahan mong walang mangyayaring masama sa iyo basta hindi lang po    kayu mangunguna sa gulo. Tandaan na ang pag-iwas sa gulo ay ang syang pinakamatibay na depensa pero para malayu sa kapahamakan ng mga masasama kailangan ang magdasal at magdala ng bote depensa.

3. Bote kontra lason  -  Nadinig ko noon na ang panglalason ay isang negosyo ng mga masasamang    tao kung sila man ay may mabiktima agad nilang lalapitan ang biktima at mag-aalok ng gamot sa lason para hindi sya mamatay ay kailangan bilhin ng biktima ang gamot, hindi alam ng biktima na yung nag alok yun din pala ang naglason sa kanya. Kaya kailangan natin ng bote panguntra lason para malihis kayo sa mga taong manlalason na ito at hindi malapitan ng mga lason. Kung may nalason man, Ang boteng ito ay may kahalong powder ng tawas tapol na blue na pweding ihalo sa tubig at ipainom sa nalason para ito ay sumuka at gagaling ng tuluyan ang biktima.

4. Bote Kontra kulam - Para makaiwas at hindi matablan ng kulam ay kailangan nating magtaglay ng   bote kontra kulam dahil sa panahon ngayun may mga taong may kapangyarihang itim na kaya nilang manakit at pumatay gamit ang kaalaman ng demonyo kaya mas mabuting ng nag iingat at nagdedepensa kaysa nakulam kana tsaka ka palang bibili ng bote kontra kulam. Kung ikaw ay            nakulam na maaari mong gamitin ang bote bilang panghaplos para magsilbing gamot ng kulam hanggang sa gumaling ang sakit.

5. Bote pampaakit      -  Ay isang uri ng garapa na may kinalaman sa pag ibig, hindi man ito gayuma  pero malaki parin ang tulong nito para mapaakit mo ang mga tao sa iyo kagaya nalang ng mga customer mo o sa taong mahal mo. Tumutulong din ang boteng ito sa mga striktong tao para mapag gaanan ka ng loob at hindi pag initan, Nakakapaglubag loob ang boteng ito kaya mas mainam na        taglayin mo ang boteng ito para maging mas maakit at gaanan ka ng loob.

6. Bote Kontra aswang - Kung gusto mong makaiwas sa mga aswang at hindi mabiktima ng mga halimaw na ito ay dapat nating taglayin ang bote kontra sa aswang para mapaglabanan mo at hindi ka magalaw ng mga aswang nararapat na ito ay isilid sa inyung bahay o ilagay sa inyung bulsa kung kayu ay lalakad sa mga lugar na pinagdududahang mayroong mga aswang nararapat din na mag taglay ang mga buntis nito para hindi makuha ng aswang ang kanilang dapat na kukunin.

7. Bote de Guerra      -  Ang boteng ito ay naglalaman ng mga papel na may mga orasciong nakasulat  patungkol sa pakikidigma sa mga kaaway para hindi ka nila matitinag sadyang mabagsik ang pagkakagawa ng bote ito dahil sa akto ng kombate mo ito masusubok. Kung ikaw ay sundalo o pulis ay mas magandang pwedi mong taglayin ang garapang ito Mainam ding gawin nalang din itong gamit sa pandepensa.

8. Bote ng Himag      -  Kilala ang himag sa katangiang napakabilis nito magpahilom ng sugat kung  ikaw ay nasugatan sa kutsilyo lagyan lamang ng langis ang sugat at titiklop na  ang iyong balat at hindi na lalabas pa ang dugo sa kadahilanang nilagyan mo ng langis na galing sa bote ng himag.


Sa mga Gusto pong mag inquire at mag-order ng mga bote na iyan ay malaya nyu po akong kontakin sa numerong: 09098816997













Huwebes, Oktubre 25, 2018

Mga Kapangyarihang Mahiwaga

May mga Kababalaghang nangyayari sa ating mundo gawa ng mga encanto at minsan pa ay ito na pala ang dahilan na magkakaroon ka ng kapangyarihan kaya dapat na malaman natin ang mga kababalaghang ito bago pa na malaman mo na may kagamitan pala iyon may mga tao na akong nasumpongan na nakaranas na ng kababalaghan na hindi nila maipaliwanag kong anu iyon minsan pa sa kwentong matatanda ko ito naririnig dahil noong unang panahon na maliit pa ang teknolohiya ay maraming mga nangyayari na hindi talaga maipaliwanag.

Ito ang mga halimbawa na akin ng naranasan:

1.Noong bata pa ako ay malakas ang buhos ng ulan sa aming baryo kaya sumilong muna kami ng aking pinsan sa labas ng kapilya kasi may tent doon na malaki at sapat iyon para masilungan ng maraming tao kasi malaki iyon doon lamang kami ng pinsan ko na si Maryjade Barcenas naghihintay para tumigil yung malakas na ulan, samantalang ilang saglit ay sinundot ako ng pinsan ko at may itunuro sya sa daan "ano yun?" nung napatingin na ako sa daan hindi ko maipaliwanag kung anong nangyari sa ulan kasi may parte doon na parang ang buhos ng ulan ay naging bilog at para bang pintoan sa ibang dimension at kalaunan ay agad din namang nawala. Kung nilapitan kolang sana yun siguro ay mayroon dung mutya na magtataglay ako ng kapangyarihan.

Mga karanasan ng ibang tao:

1. Kabaong na lumilitaw, may kaklase na akong nakaranas nito na si Jienalyn Madrid, pati nadin sa kwento ng aking guro noon sa highschool na si Sir Reynaldo Pallera hindi lang sila kundi marami na daw, ito ay minsan na nagpapakita tuwing sasapit na ang gabi at haharangan ka sa daan sa kabaong na lumilitaw na ito sabi nga daw nila nanghahabol ito. Pero ito ang di nila alam na dapat nilang nalaman sana nung panahon pa na iyon.
A. Pag nakakita ka ng kabaong na lumilitaw kung gusto mo lang magpatuloy sa dinaraanan mo sabihin mo lang sa kabaong "magpatuloy ka sa iyong lakbay, at magpapatuloy din ako sa aking paglalakbay" at agad na iyan ay aalis, kung hindi aalis ito ay malditong kabaong itapon mo sa kanya ang hawak mong lampara at ito ay aalis na.
B. Magkakaroon ka ng kapangyarihan sa invisible, sa bandang gilid ng Kabaong ay may malaking kandila dyan lapitan mo ang kabaong at agad kunin yung kandila at agad takbo hanggang makarating sa bahay. Sa susunod na araw na ay sindihan yung kandila gamit ang posporo at ikaw ay magiging invisible hindi ka makikita ninoman pag gusto mo bumalik sa normal patayin lamang ang sindi ng kandila.

2. Ang mana ng aswang, Ang aswang ay likas na malakas dahil sa kapangyarihan nilang mahiwaga pero pag silay matanda na at kung gusto na nilang tumahimik sa mundo ay dapat na may bibigyan sila sa kanilang kapangyarihan ito lamang ang paraan para sila ay mamatay, dahil hindi sila mamamatay pag hindi ito maipasa ninoman, ang kanilang kapangyarihan ay hindi mala encanto kundi ay likas na galing talaga sa kadiliman na syang dapat nating iwasan. Nadinig ko nga din na si Matandang Maria labo ay nandito sa aming bayan pero di ko alam kung ito ba ay totoo pero dapat na din na mag ingat para hindi mabiktima ng mga nilalang na ito.

3. Sigbin, ang magtataglay nito ay may kapangyarihang makapunta sa isang lugar na sobrang bilis ito ay isang uri ng hayop na galing sa encanto na kong syay iyong alagaan ay maaari kang sumakay.
Ito ang kwento ng aking mama na ang aking lola ay may kaibigan ding matanda na may inaalagaang sigbin, Si lola ko ay may kaibigang matanda na may alaga daw na sigbin inimbitahan daw ng matandang ito ang lola ko na pumasyal at agad na sumang-ayon naman si lola at agad nakita ni lola ang isang magandang jeepney pero nagtataka sya nung syay sumakay ang bilis lang daw makapunta sa kanilang paroroonan. Sa panahong ngayun mahirap na makahanap ng sigbin pero maaari naman po tayung mag tanong-tanong sa mga natibo kung saan may binebentang sigbin.

4. Paglalaro ng baraha sa sementeryo, Hindi ka ba nagtataka kung mayroong mga baraha sa sementeryo na nakakalat dahil daw ito sa mga taong gustong mag-angkin ng kapanyarihan, ang gagawin mo lang daw ay iimbitahan mo ang mga espirito na maglaro kayu ng tong-its kung ikaw ay mananalo bibigyan ka nila ng kapangyarihan kung ikaw naman ay talo mas lalo ka nilang mumultuhin.

5. Saging tindok, ito ay likas na kilala na nating lahat na isang punong saging na sadyang mahiwaga sapagkat inaagawan ito ng mga aswang, lamang lupa at encanto para mas maging malakas sila. Ang mutya ay mahuhulog tuwing sasapit ang hating gabi sa bernes santo, pag-ikaw tao ay makisali sa pag-aagawan ng mutya at nakuha mo naman at nasubo agad, daig mo silang lahat, dapat din magbaon ng itak para sa mga ibang saging na lumalakad na aataki sa iyo.

6. Kapangyarihan ng diyos ito ang nakasaad sa bibliya sa Marcos 22:18 Ang sumasampalataya ay magtataglay ng kapangyarihan sa pangalan ko magsisitaboy sila ng mga demonyo, kung sila ay uminom man ng lason at humawak ng ahas ay di sila maaano at gagaling ang sinumang mapatungan ng kanilang kamay. Dito na lumalabas ang mga faithealer kailangan lang din talaga ng sapat na kaalaman at paniniwala para makamit ang kapangyarihang ito.


Sabado, Setyembre 15, 2018

Spiritual Martial arts orascion

Ang katagang ito na sinasabing spiritual martial arts ay isang pagpapakita ng galing gamit ang mga makapangyarihang orascion na nagmula pa sa mga pamana o lumang kaalaman ito din ang ginagamit ng mga sinaunang mandirigma noon sa pilipinas para mapaglabanan ang mga taong sumakop sa ating bansa dito sa pinas sa panahon ngayun medyo kakaunti lang ang mga taong nabibiyaan kung marami man di na din ito bihira na mapapaandar sa isang ordinaryong tao kung sya ay may maliit na poder sa kanyang sarili.

Ito ang mga halimbawa sa Spiritual martial arts:
1. Nagpapataga sa katawan at hindi sila naaano, kilala dito ang grupong haring bakal sa kakayahan nila na kung sino man ang umanib sa kanila tatagain ng itak at sila ay di maaano sa taglay nilang orascion na galing sa hiwaga ng dios.
2. Lumalakad sa apoy, sa panahon ngayun ay kilala dito ang sinasabing mga babaylan na kung sila ay may ritwal na gagawin sila ay lumalakad at sumasayaw sayaw pa sa baga ng apoy at hindi sila mapapaso.
3. Kumakain ng bubog, ito ay pagpapakita ng galing gamit ang orascion sa pagkain lamang ng bubog ng bote pwedi din sa bubog ng bumbilya nginunguyanguya nila ito na parang chitcharon at nilulunok kasabay ng pag inom ng tubig at agad na hanga naman ng mga tao na nakakita sa ginawa nila.
4. Lumilipad na carpet, siguro mapapaisip mo dito ay ang alladin pero nuong unang panahon ay may nadinig ako na ginagamit daw ito ng mga sinaunang pilipino at muslim noon para makatakas sa pagbibihag ng mga espanyol.
5. Ginagawang sundalo ang palito ng posporo, nuong unang panahon ang mga lalaking may galing sa kakayahan na ito ay kayang gawing sundalo ang mga posporo sa pamamagitan lamang ng orascion at inihahagis ito sa lupa sila din daw ang tumulong sa pakikipaglaban noon para hindi masakop ang pilipinas sa panahon ngayun kunti nalang ang mga taong may dala ng orascion na ito.

Ilan lang iyan sa mga galing na taglay ng mga pilipino ang iba ay hindi ko na isiniwalat, at hindi lang yan napakarami pa pong galing ang pwedi nating matunghayan kung susuriin natin ang kwento ng mga sinaunang pilipino na may taglay na mga orascion, sa panahon ngayun ay ginagamit pa din ang mga kaalamang iyan pero ang iba kung merun man ay itinatago nalang para hindi mapagkamalang mayabang tunay na hiwaga po talaga ang mga pilipino pagdating dito kung nais mong makamtan ang mga galing na iyan ay dapat kang humanap at ikaw ay makakasumpong.

Martes, Hulyo 31, 2018

Secreto ng kayamanan

Matoto at mamangha sa mga secreto ng kayamanan na inihayag suportahan po natin ang aking bagong blog na naglalaman ng mga kataga at tips na nagpapayaman sa ating buhay. Gamit ang mga secretong taglay ng mga tunay na mayayaman kung paano nagbago ang daloy ng kanilang swerte. Sapat na kaalaman lang po ang kailangan para umasenso, hindi po ang sipag at tyaga sapagkat iyan ay kulang.

www.secretongkayamanan.blogspot.com

Lunes, Mayo 4, 2015

For sale part 5

For sale part 5
at kapangyarihang lihim
for order and inquires please call or text: 09358632547


1. Lukan shell naging bato

 Ang lukan shell na naging bato ay isang bagay na may bertud matatawag nadin itong agimat nakapagbibigay ito ng depensa sa may dala, proteksyon sa masama, proteksyon sa bahay, at ayun sa karamihan ay para din ito sa mga maiingay na chicks, pampalayo sa mga tsismosa at tsismoso. at for wealth and long life

Ito ay matatagpuan sa mga kweba at bundok at mahirap ito hanapin ang pagtataglay ng ganitong bertudes ay huwag abusuhin ang kapangyarihan  at huwag ipahamak ang sarili dahil lamang dito
















Price:

2. Mutya ng Kuhol

  Ang magtataglay ng ganitong klaseng bertudes ay panglihis ng aksidente, at sa masasamang tangka,   ginagamit din daw ito sa cabal ang gawin ay ibabad lamang sa tubig at tuwing kinaumagahan ay
  inumin at maaasahan na may pangdagdag na ng lakas ang iyong cabal, sabi sa ilang nagtatangan  
  ay nagpapaliksi at nagpapadagdag ng energy sa nagtatangan. magaling din ito sa negosyo, kung  gagamitin ito sa negosyo ay huwag lamang maingay na merun ka nito ilagay lamang ito sa place na  saan ka nagnenegosyo,
 Ito ay matatagpuan sa mga kweba at bundok at mahirap ito hanapin ang pagtataglay ng ganitong  bertudes ay huwag abusuhin ang kapangyarihan  at huwag ipahamak ang sarili dahil lamang dito
                                                                               



Price:


3. Cross pendant made in Bao isang mata

   Mostly ginagamit ito sa depensa at proteksyon with many sangkap orasyon sa loob
















Price:


4. Bote antique

   Panguntra kapre, masamang espirito at nagpapamalas sa mga taong masasama kung ilalagay ang
   kanilang pangalan sa loob ng bote, tinatakutan ito ng mga encanto't maligno
















Price:

5. Kalmen pendant made in bao isang mata

  Ang anting2x na ito ay for general round depense ikinikwintas lamang ito sa mga magtatangan nito, with many sangkap orasyon sa loob at hugis parisukat ituring lamang sya na sagrado at may paniniwala para kumasi ang kapangyarihan ng agimat na ito
                                       
             














Price:




For sale part 5
at kapangyarihang lihim
for order and inquires please call or text: 09358632547






















Miyerkules, Marso 18, 2015

Orascion sa napuwing



Kung ikaw ay napuwing at nais mong mawala ay sambitin mo ang orascion sa ibaba at ikisapkisap mo ang iyong mata at aasahan pong matutunaw o mawawala ang puwing mo

PIRAT IRAT TALIS

Sa akin pong karanasan ay nagamit ko po ito kong ako ay napuwing at nawala nga yung puwing, pero may time din na nung ginamit ko ay hindi tumalab.

24 anciano










Lihim na karunungan



Revelation 11: 16 
And the twenty-four elders, who were seated on their thrones before God, fell on their faces and worshiped God,

Revelation 4: 4
And round about the throne were four and twenty seats: and upon the seats i saw four and twenty elders sitting, clothed in white raiment and they had on their heads crown of gold



Sa Banal na kasulatan ng hindi pa ginawa ni infinito deus and mundo ay kasama na nya ang 24 ancianos na syang magsisilbing tutulong sa kanyang plano, ayon sa banal na kasulatan sa genesis 1:26 ay sinabing 'Let us create man in our own image' kaya dito natin malalaman na hindi nag iisa ang infinito deus sa paglikha ng mga bagay2x. sa banal na kasulatan ay hindi inihayag ang kanilang kasaysayan pero ayon sa tagong lihim na karunungan ng diyos. ang sino mang tao na makikilala ang lihim na pangalan ng infinito diyos nung ginawa nya ang 24 ancianos ay mapalad sapagkat kikilalanin sya ng diyos sa darating na paghuhukom.   At kong sino ang nakakaalam sa letra ng kanyang hinlalatong daliri at itinatoo sa hinlalatong daliri din ng tao ay hindi kayang pasukin ng mga tira spiritual

ang 24 ancianos ay may kanya kanyang lihim na pangalan at kung isinulat mo sa papel at gawing kalmin ay mabisang pangkaligtasan sa mga aksidente, peligro at kung ano pa. kahit si lucifer ay ika 16 sa 24 ancianos na syang pinakabunso kaya siya ang pinakamalapit sa infinito deus at tagapaghawak sa ilaw.

Merun ding medalyon na tinatawag na infinito deus na kong saan ay nakaukit ang infinito deus at ang kanyang anak at dito rin  itinatak ang mga basag na pangalan ng 24 ancianos at mabisa itong  depensa sa lahat ng bagay. sa pilipino ay kadalasang tinatawag itong anting2x







Ang karunungan ay walang hangganan
purihin ang diyos

Huwebes, Agosto 28, 2014

Buntot pating

    kapangyarihang lihim

    Buntot ng pating new arrival

    1.panguntra sa lahat ng aswang at maligno, pweding isabit sa bahay para proteksyon sa mga aswang

    2. pweding pangcombate sa mga aswang at malignos kung kayoy aataki sa kanila

    3. maaaring ang taong ma hampas nito ng masakit o malakas ay mag hihigos. kaya wag gamitin sa tao




Sabado, Agosto 9, 2014

Kasaysayan ng langit

Kasaysayan ng langit 
(kapangyarihan laban sa kasamaan)

pangdagdag kaalaman sa lahat ng tao na gusto matutunan ang kaalamang lihim ng deus
naway makatulong. lahat ng mga orascion na napaloob dito ay walang masama o walang kaliwa lahat ay magagamit para sa kaligtasan.






complete page of this book are deleted.





























































ituring na sagrado ang mga ito

Libro secreto recuerdo cadina de amor





Naglalaman ng mga pambalisa/gayuma sa lalaki or babae
31 pages

note: hindi binebenta kundi binibigay sa karapat dapat.

For sale part 4

Kapangyarihang lihim

1. Ang bahay ng alitaptap ay mainam sa pampaswerte, ibinibalot ito sa telang pula at inilalagay sa

harap ng  tindahan kapag daw kung iyo itong gagawin ay lalapit lapit daw ang mga customer sa iyong

 tindahan sabi din naman sa saldem commercial ay dina dala dala daw ito sa kanang kamay kung

maniningil ng utang mahirap makita ang bagay na ito,

Price:


2. Buena Fortuna Charm - Ang charm na ito ay napakaganda pagkat ang mga sangkap ng ibat ibang 

pampaswerte ay halos nandito na sa loob magagamit po ito sa pampaswerte, pangpahakot ng pera, 

para sa anumang uri ng business  pwedi din ito ilalagay sa pitaka kahit saan kaman magaling itong 

dalhin sa mga abroad.  Mas magandang magtaglay nito ang mga taong magsisimula pa ng negosyo.  

Ang mga sangkap na nakapaloob po nito ay galing sa kalikasan

price: 







3. Salindugok ( nasa plastic) - ito ang inilalagay sa tindahan para dumami ang suki, pwedi ilagay sa bote 

lagyan ng langis pwedi na din ang baby oil. . May iba pa pong kaparaanan ang paggamit nito ay ilalagay mo 

ito sa isang mabangong  cologne ibabad wag muna tanggalin tapos pag nagbebenta ka ay i perfume mo po 

para mahahalina mo ang mga customer at para bibili

Price: 


4. Kulinos bracelet - ang gamit na ito ay mainam na mabisang panguntra sa usog/buyag  ito ang isinusuot sa 

mga maliliit na bata upang maging protektado, hindi kaya tablan ng ubo ang mga batang maysuot nito ang 

nagdadala ng kapangyarihan sa bracelet na ito ay itong kahoy na matigas na tinatawag sa amin na kulinos. 

ingatan at ituring na sagrado ang bagay na ito, 

mahalagang paalala: huwag basagin ang kahoy

Price: 



sa mga mag order pwedi natin i deliver trough lbc or jrs express 
 kindly contact this number: 09358632547
or message me trough fb: 



Biyernes, Agosto 8, 2014

Bao isang mata

KAPANGYARIHANG LIHIM

Ang nakatagong lihim sa likod ng bao/niyog na isang mata

maganda ito gawing langis para sa pagpapagaling ng mga karamdaman

magaling din sa business pampaswerte

Inilalagay sa tindahan para ang masamang tangka ay hindi makalapit

magaling din ito sa tagabulag hindi ka makikita ng mga kaaway pag ang kanyang mata ay inilagay sa pusod mo at sabayan mu ng orascion na ito:   Ybag Ybag m. m.k.l

may bertud sa proteksyon ,  contra inggit, at maaari mong gawing kwentas





pag ginawang kwentas:   ay pwedi gawing pabilog or patatsulok at pweding pwedi mu ito lagyan sa loob ng mga ora, mutya , etc







Note: hindi binebenta kundi ipinagkaloob lang kung karapatdapat -PAX-

Biyernes, Hulyo 18, 2014

Ilaw

ILAW
ANG DIYOS AY LIWANAG NA WALANG DILIM.
SIYA AY LIWANAG NA WALANG KAPANTAY.
SA KANYANG LIWANAG, ANG MGA DAIGDIG AY NAGAWA,
ANG MGA ESPIRITU AY NALIKHA.
MULA SA LIWANAG NG DIYOS ANG LAHAT AY NABUBUHAY,
HINDI MABILANG NA MGA NILALANG
ANG NABUBUHAY SA KANYANG LIWANAG.
WALANG KADILIMAN ANG SA KANYA
ANG PAG-IBIG NG DIYOS AY LIWANAG
NA HINDI MAKIKITA NG ANUMANG MATA,
NGUNIT ITO AY LAGANAP, AT LUMILIKHA.
ITO ANG NAGBIBIGAY NG BUHAY NA WALANG HANGGAN,
AT PINAKAMATINDING LIWANAG SA NILALANG.
ANG ILAW NG DIYOS AY MITHIING KAMTIN
SA PAG-IBIG NIYA ITO AY SISIBOL MANDIN.
KUNG ANG TAO AY NATUTO NA MAGMAHAL NG TOTOO,
SISILAY ANG ILAW NG DIYOS SA KANYANG KATAUHAN
PAG NANGYARI ANG YAON, MAWAWALA ANG DILIM.
SISILAY ANG BAGONG PAG-ASA NG KALIGTASAN SA MUNDO.
ANG LIWANAG NG DIYOS AY SUMISIBOL AT LUMULUKLOK
SA MGA TAONG MAY PAG-IBIG AT PAGMAMAHAL NA TOTOO.
SA ILAW NG DIYOS, AT KANYANG PAG-IBIG, WALA NANG DILIM.
NI KAMATAYAN AY MAGIGING PANSAMANTALA LAMANG.
SAPAGKAT ANG PAG-IBIG NG DIYOS AY BUHAY NA WALANG
HANGAN
ITO AY PARA SA TOTOONG MAGMAMAHAL NANG WALANG
PASUBALI
O DIYOS NG MGA DIYOS, KAAWAAN MO PO KAMI…

Sabado, Hulyo 5, 2014

For sale part 3


For sale part 3 kung may oorder ay ito lang number ko 09358632547 at idadaan lang natin nyan sa lbc, at maaasahan na aabut sa 1 or 2 days.






1. For business front and back picture, pampaswerte itabi lang sa shop o sa iyong bulsa 

Price: 








2. Bote salindugok - ito ay ginagamit pampadami ng suki sa iyong business, gamit din ito sa gayuma pang pa attract 

price: 200





3. Salindugok bracelet

price 




4. Habak atardar - ito ay laging dinadala all around proteksyon po, nagbibigay po ito ng depensa na pangkalahatan 

price: 





5. Himag - kasangkapan sa mga albularyo gamut sa lahat ng sugat ng balat

price 






Huwebes, Hunyo 12, 2014

For sale part 2





2. balisong na puti - ang anumang gagawin sa iyo na masama sa espiritual ay babalik sa kanya in visaya ''sumbalik sa tanang kadaut'' nalaman ku din na tumutubo din pala ito pag ibinababad sa tubig ng ilang buwan at tubig na pinagababaran ay pweding inumin contra din ito sa masamang espiritu at kulam.

price: 



3. kahoy himag - ito ay isang uri ng kahoy na gumagalaw pag nilawayan.  maraming pangalan ito, at sa kuweba ito makikita sa iba ay tinatawag na isa din daw tung klase ng mutya ito gamit sa taguliwas, pag dala dala mo ay hindi ka madaling malalasing at sangkap din sa gayuma

Price: 



4. Espesyal habak - ito ay laging dinadala dala may mga sangkap din itong bato ara maliliit, tapol, gayuma, etc ito ay magagamit sa proteksyon sa lason nakapag palubag loob din ito 

price: 




for the orders kung malayu ka ay pwedi mu pa rin bilihin trough lbc din para mapadala tu sayu, with charge of 170 for tracking to your place . sa cebu ay pwedi tayu mag meet up kung malapit lapit lang thank you.

my number: 09358632547


Linggo, Hunyo 8, 2014

Sikretong aklat ng encanto de dios at mahal na birhen


PAGUNITA


Ang Karunungang ito ay mabisang gamit ng mga tao bilang tanglaw sa landas na ating tinatahak tungo sa ating ikapagtatagumpay. Para sa mahiligin tumuklas ng lihim at banal na kasaysayan ng Mahal na Birhen ay inihahandog po namin ang aklat na ito upang malaman ninyo ang mga panawagan ng Mahal na Birhen, mga Milagro at Kababalaghan, mga pamamaraan ng pagpapagaling niya sa lahat ng uri ng karamdaman nang walang ginagamit na gamot butika. Sa magmamana ng kabanal-banalang pangalan ng Dios ay magmamana na rin ng kaluwalhatian sa langit, kung magbabait, bago ipagpatuloy ang mga ORACIONES ay manalangin ng mataimtim sa iisang  Diyos na makapangyarihan sa lahat.


Narito po ang Panalangin:

OH AMANG KABANAL-BANALANG DIOS KONG MAAWAIN, IPAHINTULOT MO PONG SAMBITIN KO ANG LIHIM MONG PANGALAN SA BAWAT SANDALI NG IWI KONG BUHAY ANG KAPANGYARIHAN MO PO ANG SIYA KONG TINATAWAGAN NA SA AKIN AY MAGLILIGTAS, OH KABANAL-BANALAN MAU-M--C AT MAAWAING DIOS, SASAMBITIN KO PO ANG LIHIM NINYONG PANGALAN:

DIYOS AMANG A-VI-AY,AUEI,DIYOS INANG---------------, DIOS ANAK----------,DIYOS SPIRITO SANTO -------- NUNONG-KANUNUAN -----, ----,KAYO PO ANG TUNAY NG AMING ESPIRITO AT KATAWAN AT GABAY SA LAHAT NG SANDALI.

NGAYON! Tunghayan po natin ang mga sumusunod:


  1. Ito po ang sinabi ng Mahal na Virgen o ni Sta. Maria ng patulugin ang dalawang gentil. Sa tamang hangin, ihihip sa tuktok ng tatlong beses, ang paggamit ng ORACION ay tatlong beses sasambitin.

Narito po ang ORACION:

M---NT--O HOMO TUIS P---E S---O BESPO SUO BARES.


  1. Hindi mabubunot ang tabak. Sa mga babae, bago matulog ay magdasal muna at isunod ang oraciong ito, walang magbabanta ng masama. Sa lagnat at sa pilay-hangin, ibulong sa kamay na ihihilot at sa tubig na ipaiinom.
Narito po ang ORACION:

ATME H--V RES--C


  1. Sa sakit ng ulo, ibulong sa tubig at ipainom. Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo- Pangkaligtasan. Sa inuubo, ibulong sa langis na panghilot sa likod at sa leeg, at ibulong sa tubig na ipaiinom. Mahihiling na mapisa ang bukol, tumawag sa apat na sulok ng mundo, at isunod ang oraciong ito.

Narito po ang ORACION:

LUOM ACDUO M---O CELIM VUM MORUS


  1. Gamot sa sakit ng ulo, lagnat at pulmonia- Sambitin ang oraciong ito at hipan at mawawala, at ibulong sa tubig na ipaiinom at pantapal.

Narito po ang ORACION:

D---M UMO B----M BIL SABAOTH


  1. Pangkaligtasan- Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo. Ibulong sa langis na panghilot sa masakit ang likod, at ibulong sa tubig na ipaiinom sa masakit ang lalamunan.

Narito po ang ORACION:

AMAM SANCTUM A---TACA AMAM S--B


  1. Kaligtasan- Isulat sa pitong papel na mabilog at isubo. Sa sumasakit ang ngipin, ibulong sa tubig at ipamumog at sa tubig na iinumin.


Narito po ang ORACION:
N-R N-T N-N NOS N-D N-M-NIAC AC BIAC


  1. Sa sunog- Tumawag sa apat na sulok ng mundo at isunod banggitin ang oraciong ito habang tinititigan mo ang bahay na nasusunog at siguradong mapapatigil mo ang apoy. Sa pilay-Banggitin ang oraciong ito at hipan ang parting may pilay at batakin. Sa gaway, para makita –Banggitin ang oraciong ito at ihihip sa baso ng tubig at patinginin ang maysakit at makikita niya kung ano ang nasa baso.

Narito po ang ORACION:

T---US TUTA-US TABU-US JUB-UB


  1. Tagabulag- Isulat ang oraciong ito sa tatlong bilog na papel at isubo. Sa pilay- Ibulong sa langis na panghilot. Upang makita ang gaway- Ihihip sa papel at patingnan sa kanya.

Narito po ang ORACION:

MAD MEO ACBIUS RO---E


  1. Pangontra sa pagiging bingi, bulag dahilan sa kagagawan ng masamang espirito at ito po ay pangkuwintas.

Narito po ang ORACION:

CHRISTUS SANCTA T-----AS OMO DAUB JESUS


  1. Tagabulag, pangpatigil at pangpabagsak. Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo at banggitin ang oraciong ito ng paulit-ulit habang ikaw ay naglalakad at palisang masasamang tao sa iyong daraan, at isunod ang salita PHU kung kailangan.

Narito po ang ORACION:

QUAM M---M P---A JOC NOR NOD JUB JAC HUM


  1. Kaligtasan- Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo. Sa umalis ay pangpabalik- Banggitin ng tatlong beses ang kanyang pangalan kasunod ng oraciong ito at sabay suntok sa pasinamo. Sa kulam,ketong,galis at lagnat- Banggitin ang oraciong ito at hipan at gagaling. Kahit saan at makikita ang taong nagbibigay ng sakit:

Narito po ang ORACION:

BUCOLUM BALALAM BIAM AMDIDIC DIO DIO JESUS


  1. Sambitin ang oraciong ito ng paulit-ulit habang naglalakad – Matatakot ang haharang, at idugtong ang salita salvame kung kinakailangan, at sa natuka ng ahas- Banggitin ang oraciong ito at hipan ang parting nakagat ng ahas at gagaling. Sa kinukulebra- Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa kanyang  tuktok at sa buong katawan at sa langis na panghilot.

Narito po ang ORACION:

ESET ETAC E----C EDEUS GEDEUS DEDEUS


  1. Gamot sa sakit ng ulo at sa bukol- Banggitin ang oraciong ito at ihihip sa tuktok ng maysakit o sa bukol,at gagaling na agad. Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo- Kaligtasan.

Narito po ang ORACION:

MATAM M--M RUM MOUM BEM


  1. Pangalang lihim ni Sta. Maria ng siya’y mata pa lamang. Magaling ito sa: Galis at kumakating mga sugat. Walang kahirapang sasapitin ang kaluluwa ng maysakit kapag nasambit bago malagot ang hininga.

Narito po ang kanyang pangalan:

A---U VIRGO SANCTA MARIA, na pinag-isa sa salitang: AUMXOOBOO


  1. Kaligtasan- Sambitin ang oraciong ito ng paulit-ulit habang ikaw ay naglalakad. Sa pilay- Sambitin ang oraciong ito, at ihihip sa kamay at ihilot.

Narito po ang ORACION:

ARAM ------M AC- ADAM AM ADAM PHU

  1. Liwas sa kapahamakan- Sambitin ang oraciong ito at itadyak ang kanang paa sa lupa kung nasa panganib. Pangbuhay sa mga gamit.

Narito po ang ORACION:

ADNA CELIM G---------------AN MECMAC MAIGSAC MASAC MASUD.


  1. Panawag ng Mahal na Virgen sa labing dalawang Apostoles. Tinawagan muna niya ang apat na sulok ng mundo sa labas at loob, at isinunod ang ORACION na nasa ibaba nito at ng hating gabi ay dumating ang labing dalawang Apostoles. Sa sakit ng tiyan- Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa tubig at ipainom.

Narito po ang ORACION:

ARAM ADAM AC---AM VUC VOUC V--C TAUOC JE-UB


  1. Panawag ng Mahal na Virgen kay Jesus. Kung mananalangin ka ng taimtim sa kalooban ay darating siya ng walang pagsala, kung may kapalaran ka ay iyong makikita ang ating Panginoong Jesu Cristo.

Narito po ang ORACION na panawag:

DEUS MEUS JEOS JUS UC JESUS JESUS JESUS JERUSALEM MARIA BATO AC ALAB COCOROCOC COROCOTO COCOCO ELEBATE ELEBILA ELECULAPA ELEBINA CO CO Y OCOC COC COR OC OTOC OC OCO OC M-OC GOMOOC LOOC G--OC OC MOOC OC M--C CO MOOC L--C.


  1. Tigalpo, ang demonio ay hindi makalalaban sa iyo, tungo ang ulo nilang lahat. Sambitin ang oraciong ito, at ligtas ka sa lahat ng bagay. Pangpatigil ng ulan o unos.

Narito po ang ORACION:

A--AE AEIE AEO-OC.


  1. Pangpatigil- Banggitin ang oraciong ito, at walang lalaban sa iyo.

Narito po ang ORACION:

JE-JE HI E-C  HAC


  1. Panawag sa palipad  hangin, kung wala sa katawan ng maysakit. Tatlong beses babanggitin ang oraciong ito sabay hihip sa tuktok ng maysakit.

Narito po ang ORACION:

H---M HAUNE HEAMO


  1. Ito ang sinabi ng Dios ng gawin ang mundo, maaari ring pangpalipat o pangpabalik sa taong nagbibigay ng sakit o karamdaman, itapal lamang ang oraciong ito sa tiyan ng maysakit.

Narito po ang ORACION:

QE-MAO QE-E--E QUO-BEA

  1. Ito po ang ORACION na ginamit ni JESUS na ang tubig ay gawing alak.

Narito po ang ORACION:

PEC-BE-EC FE-S-B-AO F--M-I


  1. Ito ang sinabing ORACION ni JESUS ng paramihin ang isda at tinapay.

Narito po ang ORACION:

MAO-EO MUC-EM ME-IA TA-AO FEO FA-EO


  1. Napasusunod ang kahoy at mga halaman.

Narito po ang ORACION:

AN-TE AC-C-O A------


  1. Kaligtasan- Isulat sa pitong bilog na papel at isubo, at pang-akit sa tao.

Narito po ang ORACION:

S----------SEA-EM DEUS D--S DEUS SEA-TUO


  1. Tigalpo sa kaaway- Sambitin ang oraciong ito sa kanyang harapan. Maaring makita ang matanda sa punso- Tumawag sa apat na sulok ng mundo,at magdasal ng sumasampalataya hanggang sa makapangyarihan, at darating at iyong makikita ang matanda sa punso. Sa lumpo, Ketong at pulmonia- Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa iyong kamay at ihagod.

Narito po ang ORACION:

FA-AO FE--------O


  1. Kaligtasan- Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo. Ibulong ang oraciong ito sa tubig at ipainom sa may sakit at gagaling. Ito rin ang salitang sinambit ni Jesus ng siya’y lumakad sa tubig.

Narito po ang ORACION:

NE------------C NE-ME-OC


  1. Sambitin ang oraciong ito at ihihip, hindi puputok ang ano mang bagay. Makapagbubukas ng sarado- Magdasal ng sumasampalataya hanggang sa makapangyarihan sa lahat at isunod mong banggitin ang ORACION na nasa ibaba po nito. Sa Pilay- Sambitin ang oraciong ito at hipan ang parting may pilay at gagaling. Pipi- Hipan sa lalamunan at makakausap. Sa bukol- Isulat sa kapirasong papel ang oraciong ito at itapal ay puputok ang bukol.

Narito po ang ORACION:

LAU-EO LAC-AO LAR------------AEO


  1. Pangalan katutubo ng Infinito Dios na kinauuwian ng lahat ng bagay. Bago gamitin ito ay isiping mabuti kung pag kakasala sapagkat ang ibigin mo ay siyang mangyayari.

Narito po ang ORACION:

AO--UI (IYAOWUEI)


  1. Pagpapabalik sa mga ninakaw o sa mga magnanakaw para isauli ang mga ninakaw.

Matiryal: Isang kandilang sperma. Pasimula ng pagganap: Kahit anong araw ay pwedeng pasimulan, sa hapon at umaga maaaring sa pasikat at palubog ang araw.

Pamamaraan: Sindihan ang kandila Magdasal muna ng isang Sumasampalataya hanggang sa ipinako sa krus. At pagkatapos ay magpoder ka sa iyong sarili ng hindi ka ma-apektuhan ng iyong ginagawa, at pagkatapos nito ay tumawag ka sa apat na sulok ng mundo sa labas at loob, at isunod ang oraciong ito CRISTOS SANCTA T------TAS OMO DAUB JESUS KRUS, pagkasambit ng salitang KRUS ay sabay hihip sa lugar na pasikat o paglubog ng araw. Ang ibig ko pong sabihin ay ganito: Kung ang pamamaraang ito ay inumpisahan mo sa papalubog ng araw ang iyong gagawing paghihip pagkasambit ng salitang KRUS, pagkatapos ay humarap ka uli sa may sinding kandila at usalin o sambitin ang mga sumusunod:
E-----UM  EXETUUMEX EVACSHUM, at isunod ang mga salitang ito: Kung sino man ang kumuha ng nawawala kong ________ ay mapapahamak kung hindi ibabalik, at hipan ang kandila, at kinabukasan ay gawing muli ang pamamaraang ito hanggang isan linggo, at kung sa loob po ng isang linggo ay hindi pa rin isinasauli ang mga ninakaw sa iyo ay ganito po naman ang iyong gagawin: Ang dasal na sumasampalataya hanggang sa magkasakit, ibinaon o inilibing, at isunod sa pabilin ang ganito. Ang sino mang kumuha o nagnakaw ng nawawala kong______
_________ ay magkakasakit pagdating ng tatlong araw o hanggang isang linggo mula ngayon, at huwag mo ng hipan ang kandila, at pabayaang nakasindi hanggang sa maubos ang kandila hanggang hindi ka niya hinahanap upang maisauli ang gamit.

Narito po ang oracion sa pagpopoder sa sarili:

BENEDICTAM REENA-------M VENIT MACULATAM ELEBATE ELEBILA ELECULAPA ELEB---------A EGRAYOM EGROMIT EREYSUM AYISMOTUM poderan mo ako sa lahat ng oras.

Narito po naman ang PAGTAWAG sa apat na sulok ng mundo, sa labas at loob.

SATOR AREPO TENET OPERA ROTAS A------M REHOP OGNAT SAUGNAT TA-------AC REX CHRIS--M DE-M IN DEUM MEUM ---AM AB---M ABEIS ABEISTE sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan ay pahintulutan mong maibalik sa akin sa lalong madaling panahon ang nawawala kong _____________________.


    32. Panalangin una sa Oracion kung gagamitin:

A-----IS SABAOTH CONIPABIS BIABITIT


    33.  Oracion laban sa mga engkanto at mga lamang lupa--------
Ibulong sa tubig na ipaiinom.

Narito po ang Oracion:

YSEM Y--M YLAUM

    34. Pangpasabog sa mga masasamang espirito na nagpapahirap sa katawan ng may sakit  ----- Itapal ang orasciong ito sa tiyan ng maysakit.

Narito po ang Oracion:

MURMURLUM M---------------M MURCIATUM


35.      Sa suntukan.
Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa iyong palad at itikom bago isuntok.

Narito po ang Oracion:

M-- M--C PHU


36.      Kinauuwian ng lahat ng bagay. Laban sa mga masasamang espirito- Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa buong katawan nya, Ibulong sa langis na panghilot, at ibulong sa tubig na ipaiinom.

Narito po ang ORACION:

ALTISSIMO SANCTISSIMO DEUS MEORUAM ESMEREIL BA--------UB MANUMBAUB

37.      Salita ng Mahal na Virgen ng ang isang tao ay matuklaw ng isang na malaki, sa salitang ito ang ahas ay dumating na tungo ang ulo. Lalong mabuti kung ang salitang ito ang siya mong ihihihip sa sungay ng licornio.

Narito po ang SALITA:

VI---WIA

38.      Oracion na pangpalubag loob ni Sta. Mariang Virgen. Sambitin lamang ng tatlong beses na paulit-ulit sa iyong isipan habang ikaw ay lumalapit sa isang tao at mawawala na ang kanyang galit sa iyo.

Narito po ang ORACION:

AMANG AL-----ES TRUMDIT MUNDIT HUM


39.      Ang oraciong sinambit ng Mahal na Virgen habang nagsisiyasat ang mga sundalo sa bahay-bahay at hindi sila pinasok ng mga sundalo.

Narito po ang ORACION:

SA-------IME VIRTUDE SATI POT------EM DEI SOCORET IN MEIBANUCAL BANDATAL LEOPAL LALPAL--------- ENGARCO ENCANTO SALVAME.


40.      Salita ng Mahal na Virgen na ibinulong sa dahon ng kahoy upang ilagay sa noo ng may karamdaman ng sa ganoon ay gumaling ang karamdaman nito.

Narito po ang ORACION:

S----T YIHAC ACDUNAT


41. Sambitin ang oraciong ito bago isigaw sa mga kaaway, at sila’y susubasub na lahat.




Narito po ang ORACION:

SAM AM T----M BREUM UP YODHEWAWHE


42. Upang mapigil ang isang tao ng pagsugod sa iyo ay ganito po ang iyong gagawin: Sambitin ang oraciong ito at sumigaw ng TIGIL.

Narito po ang ORACION:

CR--EM SANCTUM AUP HUM


43. Upang mapigil ang pagdating ng bagyo. Tumawag ka muna sa apat na sulok ng mundo sa labas at loob, at isunod mo.

Ang ORACIONG ito:

A------- SABIUV JUDAY JEJU


44. Noong dinurog nang Mahal na Virgen ang infierno. Ito po ang kanyang sinabi:

Narito po ang ORACION:

OTIC YGNUM Y------UM EGOSUM PICITED PHU


45. Pampatigil sa mga taong inaalihan sa katawan ng masamang espirito.

PAMAMARAAN: Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa iyong hintuturo at panggitnang daliri ng iyong kanang kamay at sabay turo ng iyong daliri sa taong kinukulam, at sigurado po na hindi na ito magpupumiglas o makakalaban sa iyo.

Narito po ang ORACION:

T-UM DI------- Y-----C DUGMAC PHU


46. Oracion ng Mahal na Virgen ng pahintuin niya ang malakas na alon sa dagat.

Narito po ang ORACION:

OOOHINMO COT S---------MAS OMIS TIO CASBI


47. Ito po ang oraciong ginamit ng Mahal na Virgen noong itinatakas niya ang NiƱo Jesus at hindi sila inabutan ng mga sundalo. Ito po ay magagamit din ninyo sa habulan ng hindi po kayo maabutan ng iyong mga kalaban.
 Naito po ang ORACION:

JE-US MARIA Y JOSEP NARDAOC CIGARPAS V-------M N--NIM NO NOI SALVAME.



48. Oraciong sinambit ng Mahal na Virgen upang hindi siya mabasa ng ulan.

Narito po ang ORACION:

S----UG IVAR JESUS SA-VATOR ---CH


49.Ito po ang sinambit ng Mahal na Virgen ng magluto siya sa gitna ng bukid na malakas ang ulan. Tumawag muna siya sa apat na sulok ng mundo saka niya isinunod itong oracion:


Naito po ang ORACION:

ILLA P---E EOCH JIT